448 - Kung May Pag-ibig

Maganda ang paligid, kung may pag-ibig,
Masaya bawat ingay, kung may pag-ibig,
Kapayapaa'y taglay may ngiti ng tagumpay;
Panaho'y lumilipas kung may pag-ibig.

REFRAIN

Pag-ibig, pag-ibig;
Ang tahana'y payapa;
Kung may pag-ibig.

Langit ay nakatunghay, kung may pag-ibig;
Mundo ay laging tunay, kung may pag-ibig,
Batis ay lumilinaw pagpapala ang taglay;
May ngiti ang Pangino'n kung may pag-ibig.

REFRAIN

Pag-ibig, pag-ibig;
Ang tahana'y payapa;
Kung may pag-ibig.

Ako ay pagpalain, Pangino'n giliw;
Magtitiwalang lubos kung may pag-ibig,
Ako'y iyong ingatan h'wag akong pabayaan;
Sa biyaya mong taglay kung may pag-ibig.

REFRAIN

Pag-ibig, pag-ibig;
Ang tahana'y payapa;
Kung may pag-ibig.

0:00 0:00